Libo-libong turista, inaasahang dadagsa sa Pangasinan sa selebrasyon ng Pistay Dayat

Inaasahang libo-libong turista ang dadagsa sa lalawigan ng Pangasinan sa nagpapatuloy na summer vacation at ang selebrasyon ng Pistay Dayat.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer, sinabi nito na pumalo sa labindalawa (12) hanggang labinlima (15) libong mga beach goer’s ang dumagsa nitong nagdaang holy week.

Ayon pa kay Arenas, inaasahan na nila ang pagdagsa ang mga turista sa probinsya dahil sa ibat-ibang aktibidad na inihanda sa selebrasyon ng Pistay Dayat.

Dahil dito, ikinasa na ng PDRRMO ang kanilang “Oplan Pistay Dayat” kung saan muli silang hihingi ng karagdagang augmentation sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

 

Ang tinig ni Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer ng Pangasinan

Speak Your Mind

*