Longest Line of Tables na target sa Guinness World Records, umabot sa mahigit 6 kilometer

Umabot sa 6 kilometer at 4 meter ang haba ang mesa na inilatag sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan para sa pagsubok nila sa “Longest Line of Tables” sa Guinness World Records.

Ito ay kasabay sa selebrasyon ng kapistahan ng bayan na may temang “United Sto. Tomas a drug free community, A legacy among the greatest in history”.

Sa panayam, sinabi ni Engr. Romeo Saldevar Jr, hepe ng Geodetic Engineer of the Philippines Pangasinan Chapter na tatlong sistema ang kanilang ginamit sa pagsukat, ang wheel measure, tape measure at ang real time kinematic o RTK measure.

Aniya, ito ay ginawa upang maiwasan na magkaroon ng discrepancy at matiyak na tama ang ginawang mano-manong pagsukat sa may 2,470 mesa na tumagal ng halos isat’kahalating oras.

 

Idinagdag pa ni Saldevar na ang resulta na kanilang ginawang pagsukat ay magiging opisyal na documentation na isusumitte sa Guinness World Records.

Nabatid na ang grupo din ni Engr. Salvedar ang opisyal na nagsukat noong 2008 kung saan nasungkit ng Sto. Tomas ang “Longest Barbecue” sa Guinness World Records.

Speak Your Mind

*