Mabagal na Intel Work ng PNP at AFP, pinuna ng isang Senador

Pinuna ni Senador Miguel Zubiri ang mabagal na intelligence work ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa banta ng terorismo sa Central Visayas.

Sinabi ni Zubiri na naunahan pa ang mga ito ng mga embahada ng ibang bansa sa Pilipinas na makatunog sa galaw ng mga terorista sa Bohol.

Nanawagan ang senador sa pulisya at militar na mag-double time sa kanilang intel work para agad masawata ang masamang balak ng teroristang grupo.

Nangangamba rin si Zubiri na maaapektuhan ang turismo sa Visayas kapag nabigo ang PNP at AFP na tiyakin ang seguridad at kaligtasan sa nasabing rehiyon.

Speak Your Mind

*