Mahigit 42,000 aso sa Pangasinan, nabakunahan na ng anti-rabies vaccine

Umaabot na sa mahigit apatnaput dalawang libong mga aso ang nabakunahan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ito’y mula sa target nilang mabakunahan na nasa pitumpong porsyento ng mga aso sa lalawigan sa pamamagitan ng isinasagawa nilang anti-rabies massive vaccination sa mga barangay.

Ayon kay Dr. Eric Perez, Officer-in-Charge ng OPVET, ngayong mainit ang panahon mataas ang tyansa na mangagat ng mga alagang aso dahil sa iritadong pakiramdam.

Dahil dito, patuloy na hinikatay ang mga dog owner na dalhin sa mga isinasagawang Provincial Veterinary Medical Mission ang mga alagang aso dahil dito nagsasawa ng anti-rabies vaccination, deworming, at dog castration.

Speak Your Mind

*