Malakanyang, tiniyak na ligtas ang Pilipinas para sa mga turista

Tiniyak ng Malakanyang na ligtas para sa mga turista ang Pilipinas sa kabila ng inilabas na mga travel warning ng ibang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi nila kontrolado ang mga paglalabas ng travel advisories ng ibang bansa.

Pero ginagawa na aniya ng administrasyon at militar ang lahat para matiyak ang seguridad sa rehiyon.

Naniniwala naman ang kalihim na maaabot pa rin ang target na bilang ng mga turista sa bansa sa kabila ng travel warnings dahil sa banta ng terorismo.

Speak Your Mind

*