Mangingisdang Pinoy na bihag ng ASG, pinugutan na ng ulo

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinugutan na ng ulo ng bandidong Abu Sayyaf ang isa nilang bihag na mangingisdang Pinoy sa Patikul, Sulu.

Kinilala ni Brigadier Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP-Joint Task Force ang pinugutang bihag na si Noel Besconde, kapitan ng fishing boat na FB Ramona-2.

Sinasabing ang grupo umano ni ASG sub-leader Almujer Yadah ang siyang pumugot sa ulo ni Besconde noong Abril 13, dakong alas-dos y media ng hapon.

Bigo umano ang mga kaanak ni Besconde na magbayad ng hinihinging ransom kapalit ng kalayaan nito.

Sa ngayon, nagsasagawa na ang AFP ng military operations para mahanap ang katawan ng biktima.

Kasama ni Besconde na dinukot noong nakaraang taon sina Reyjim Rocabo, Roy Ramos at Roel Liones na pawang mga residente ng Tukuran, Zamboanga del Sur.

Speak Your Mind

*