Manny Pacquiao, pumirma na ng kontrata para labanan si Jeff Horn

Tuloy na ang laban nina 8-division world champion Manny Pacquiao at undefeated Australian Boxer Jeff Horn sa Hulyo.

Pumirma na ng kontrata si Pacquiao para depensahan ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight title.

Ayon sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, gaganapin sa Brisbane, Australia ang laban ng dalawang boksingero.

Matatandaang sa ginawang Twitter poll ni Pacquiao ng mga pinagpipilian niyang makalaban ay nangulelat si Horn samantalang nanguna naman si Amir Khan.

Magaganap ang bakbakang Pacquiao-Horn sa Hulyo 2.

Speak Your Mind

*