Marcos, nagbayad na ng inisyal na P36M para sa VP poll protest

Nagbigay na ng paunang bayad na P36 milyon si dating Senador Bongbong Marcos sa Supreme Court (SC).

Ito ay upang umusad na ang electoral protest nito para sa vice presidential race kontra kay Vice President Leni Robredo.

Ang nasabing halaga ay gagamitin sa retrieval process sa contested ballot boxes at election documents sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Magugunitang aabot sa 39,221 clustered precincts ang kinukuwestiyon ni Marcos mula sa kabuuang 132,446 precincts.

Samantalang si Robredo naman ay kinukuwestiyon ang resulta sa 8,042 clustered precincts na may kabuuang 31,278 precincts.

Una nang humiling ang panig ni Marcos na babaan ang P66 milyong bayarin nila para sa election protest.

Speak Your Mind

*