Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach, matatag ang relasyon

Kasamang ipinagdiwang ni Marlon Stockinger sa kanyang ika-26 na kaarawan kahapon, Abril 4, ang girlfriend na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ito ay kung pagbabatayan ang ibinahaging larawan ni Marlon sa kanyang Instagram.

Tila mensahe naman ito na nananatiling matatag ang relasyon nila ni Pia sa kabila ng isyung kinahaharap ng Filipino car racer.

Naging usap-usap ang kahihinatnan ng relasyon ng dalawa matapos na ibunyag ng dating karelasyon ni Marlon na si Kit Barraquias na mayroon silang kambal na anak.

Tikom pa rin ang bibig ni Pia at Marlon sa nasabing isyu.

Speak Your Mind

*