Mga corrupt na BIR, Customs personnel barilin — Duterte

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na barilin ang sinumang tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na manggigipit sa kanila.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang talumpati sa Philippine-Qatar Business Forum sa Qatar.

Sinabi ni Duterte na hindi niya hinahayaan ang anumang anyo ng katiwalian sa ilalim ng kanyang pamamahala sa Pilipinas.

Pinayuhan din ni Duterte ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Qatar na mag-iskandalo o mag-ingay kapag pinakialamang buksan ng airport o customs personnel para sa inspection ang kanilang mga bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang ipinahayag ni Duterte sa harap ng libu-libong OFWs sa Lusail Sports Arena sa Doha, Qatar.

Ayon sa pangulo, hindi na kailangang dumaan sa inspeksiyon ang mga bagahe ng OFWs sa kanilang pagdating sa NAIA.

Kasunod ito ng mga reklamo ng ilang OFWs na nananakawan ng kagamitan o kaya nakikikilan sa tuwing umuuwi at dumadaan sa paliparan ng Pilipinas.

Speak Your Mind

*