Mga food handlers, binalaan dahil sa mataas na kaso ng diarrhea

Nagbabala ang Provincial Health Office (PHO) sa mga food handlers kaugnay sa mataas na kaso ng diarrhea ngayong tag-init.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Aurora Doria, HEPO Officer na dapat dumaan sa food handling at mayroong health certificate at sanitary permit ang mga tindera ng street foods.

Ani Doria, mahalaga na masiguro ng mga sanitary inspector ng bawat munisipyo na may kaalaman ang mga food handler sa proper food preparation, food handling at tamang personal hygine.

 

Nabatid na tumataas na sa animnapu’t pitong porsiyento ang kaso ng diarrhea sa lalawigan ng pangasinan mas mataas kumpara sa naitala noong nakaraang taon.

Speak Your Mind

*