Mga pasahero, pinayuhang maagang pumunta sa NAIA

Ikinasa na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kanilang “Oplan Semana Santa 2017” bilang paghahanda para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, magtatayo sila ng help desks para sa mga pasahero hanggang sa susunod na linggo.

Magpapakalat din ng management team para maging duty managers sa Holy Week para matiyak ang maayos na daloy ng mga pasahero.

Kanselado na rin ang lahat ng work leaves ng mga empleyado.

Mahigpit din nilang ipatutupad ang traffic management plan at seguridad partikular sa NAIA Terminal 3.

Hinimok ni Monreal ang mga pasahero na magtungo ng tatlong oras bago ang international flights samantalang dalawang oras naman para sa domestic flight.

Speak Your Mind

*