Mga programa na nakapaloob sa Garantisadong Pambata, ipinapatupad na ng PHO

Itinapatupad na ng Provincial Health Office (PHO) ngayong buwan ng Abril ang programa na nakapaloob sa “Garantisadong Pambata”.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dhalia Dumantay, Health Education promotion officer ng PHO na nagbibigay na ang kagawaran ng kalusugan sa mga bata edad zero hanggang 71 months o below 5 yrs old ng Vitamins A Supplement.

Ayon pa kay Dumantay, nag-house-to-house ang mga health worker para personal na makita at malaman ang mga bata kung sino ang karapat-dapat na mabigyan ng Vitamin A.

Kasama na rin aniya sa programa ng garantisadong pambata ang deworming o pagpupurga sa mga bata.

 

Paalala naman ni Dumantay na hindi dapat purgahin ang mga bata kung ito ay nakakaranas ng pananakit ng tiyan, nagtatae at mayroong sipon at ubo.

Speak Your Mind

*