Mikoy Morales, kinumpirma ang apat na taong relasyon kay Thea Tolentino

Masayang kinumpirma ng singer-actor na si Mikoy Morales na apat na taon na ang relasyon nila ng girlfriend na si Thea Tolentino.

Si Thea ang unang umamin sa relasyon nila ng aktor.

Kuwento ni Mikoy, nagsimula ang closeness nila noon sa sinalihang reality show sa GMA-7 na “Protégé.”

Aminado rin si Mikoy na nagkakaroon sila minsan ni Thea ng di-pagkakaunawaan dahil sensitive siya samantalang selosa naman ang girlfriend.

Pero mas open-minded na raw ngayon si Mikoy para sa ikagaganda pa ng kanilang relasyon.

Speak Your Mind

*