Nabiktima ang jellyfish sting sa Lingayen Beach nitong Semana Santa, umabot sa 40

Umabot na sa apatnapu (40) katao ang nabiktima ang jellyfish sting o dikya sa Lingayen Beach sa bayan ng Lingayen, Pangasinan sa buong linggo paggunita ang Semana Santa.

Ito ang inihayag ni Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer batay sa tala ng Provincial Health Emergency Response Team.

Sinabi ni Arenas na agad namang nabigyan ng lunas ang mga nabiktima ng jellyfish sting dahil maaga itong napaghandaan sa pamamagitan ng training na isinagawa ng UP Marine Institute na naka-base sa Bolinao.

 

Nabatid na isa sa pinaka-mabisang lunas sakaling madikitan ng dikya ay huwag itong huhugasan ng fresh water o anumang alcohol, kundi linisin ito sa pamamagitan ng tubig alat o kaya ay buhusan ng suka.

Speak Your Mind

*