Nerve gas agent, ginamit sa chemical attack sa Syria

Tumaas pa sa halos otsenta katao ang bilang ng mga biktima ng chemical attack sa Northern Syria.

Ayon sa doctors without borders at UN Healthy Agency, kung pagbabatayan ng ebidensiya ay nerve gas ang ginamit sa pag-atake.

Nagpakita rin ng sintomas ng nerve gas exposure ang mga biktima gaya ng suffocation, pagbula ng bibig at kombulsiyon.

May naamoy rin umanong bleach ang mga awtoridad na nangangahulugang posibleng gumamit din ng chlorine gas sa pag-atake.

Speak Your Mind

*