NNC, ikinabahala na ang mataas na kaso ng mga bansot sa Region 1

Ikina-bahala na ng National Nutrition Council o NNC-RO1 ang mataas na kaso ng stunting malnutrition sa buong region 1.

Sa ginanap na KBP-Pangasinan Chapter Forum, sinabi ni Kendall Gatan, Nutrition Officer 3, ng NNC-RO1, na batay sa survey ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), 3 sa 10 bata sa region 1 ay stunting malnutrition o  ang tinatawag na bansot.

Ayon kay Gatan, pag-sinabing bansot, ito ay ang kulang ang tangkad para sa kanilang edad, indikasyon na ito ay cronic malnutrition, kung saan mahirap ng maibalik o hindi na magagamot.

 

Nangunguna naman ang bayan ng Buatista sa mayroong mataas ang kaso ng stunting, kasunod ang mga bayan ng Anda, Mangalda, Aguilar, Bani, Alcala, Labrador, Bayambang, Dasol at bayan ng Rosales.

Samantala, wala namang bayan sa Pangasinan ang pumasok sa top 10 stunting malnutrition sa buong region 1.

Speak Your Mind

*