NoKor, nagbanta ng ‘All-Out War’ kapag patuloy na nakikialam ang Amerika

Minaliit ng North Korea (NoKor) ang banta sa kanila ni United States Vice President Mike Pence na huwag subukin ang kapangyarihan ng Amerika.

Ayon kay Vice Foreign Minister Han Song-ryol, maglulunsad pa sila nang mas maraming missile test kada-linggo, kada-buwan at kada-taon.

Nagbabala naman si Han na maaaring magresulta sa ‘all-out war’ kung patuloy na makikialam sa kanila ang US.

Una nang sinabi ni Pence, na kasalukuyang nasa South Korea (SoKor), ubos na ang kanilang pasensiya sa NoKor.

Speak Your Mind

*