Oil price hike, muling ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw

Muling nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis simula ngayong araw ng Martes.

Animnapu’t limang sentimos ang dagdag sa kada-litro ng diesel samantalang animnapung sentimos naman ang taas-singil sa kada-litro ng kerosene.

May dagdag-presyo rin na apatnapu’t limang sentimos sa kada-litro ng gasolina.

Una nang nagpatupad ng umento sa presyo ng kanilang mga produkto ang Flying V kaninang alas-dose uno ng hatinggabi at susundan naman ito ng Total, PTT, Shell, SEAOIL, Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum ngayong alas-sais ng umaga.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang oil price hike ay bunsod ng maintenance shutdown ng mga oil refinery sa South Korea (SoKor), China at Japan.

Speak Your Mind

*