Oplan Semana Santa ng PDRRMO, matagumpay, “zero drowning incident”, naitala

Matagumpay ang ipinatupad na Oplan Semana Santa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO partikular na sa Lingayen Beach Front.

Sa panayam ng DZRD Sonshine, sinabi ni Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer ng Pangasinan na “zero drowning incident” ang naitala sa mahigit isang kilometrong haba ng Lingayen Beach.

Ito ay bunsod umano ng mahigpit na pagbabantay ng PDRRMO sa paligid ng dagat kabilang na ang pagbabawal sa pagbasok ng mga sasakyan at mga ambulant vendor

 

Ayon pa kay Arenas, malaking tulong din ang inilagay nilang ibat-ibang kulay ng flag, mga signages at paalala sa dapat gawin kung maliligo sa dagat

 

Maliban dito, buong puwersa ring nagbantay ang WASAR Team at ang anim na beach tower na mahigpit na binantayan ng mga miyembro ng PDRRMO.

Speak Your Mind

*