Oplan Sumvac ng PDRRMO, nakalatag na ilang araw bago ang Semana Santa    

Hindi na bago sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagpapatupad ng operation summer vacation o Oplan Sumvac dahil taon-taon na nila itong ginagawa.

Ayon kay Juvin Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng PDRRMO, kung dati ay regular lang ang deployment ng mga rescue team, ngayong oplan sumvac ay mas pinaigting ito.

Kasama na aniya sa kanilang paghahanda ang paglalagay ng tarpulin sa mga strategic areas kung saan mababasa ang mga emergency hotline ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

Maliban dito, nagdagdag narin ayon kay Solis ng mga beach tower sa capitol beach, nagpakalat narin ng wasar team hanggang sa bahagi ng Binmaley.

 

Kasabay nito, tiniyak ng PDRRMO na may sapat na rescue equipment ang probinsya na magagamit in time of emergency o pagresponde sakaling magkaroon ng sakuna.

Speak Your Mind

*