Orbos, linggu-linggo nang magre-report kay Duterte

Linggu-linggo nang magre-report si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Thomas Orbos kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagresolba sa problema sa trapiko.

Ani Orbos, ang blanket instruction sa kanya ay ayusin na ang problema habang hinihintay ang pangmatagalang solusyon.

Ipinaliwanag din ni Orbos ang flexible working hours na pinag-aaralan ng gobyerno para mapagaan ang daloy ng trapiko.

Aniya, sinabi ni Duterte na gawan ng paraan na ang gobyerno ang unang magsakripisyo para maresolba na ang problema sa trapiko.

Inaasahang mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi ang magiging pasok ng mga kawani ng gobyerno kung maipatutupad ang nasabing ‘flexi-time.’

Speak Your Mind

*