Pagdadala at pag-inum ng alak, ipagbabawal na sa paligid ng kapitolyo – PDRRMO

Nakatakdang ipatupad anumang araw mula ngayon ang pagbabawal sa pagdadala at pag-inum ng nakalalasing na alak sa Capitol Ground at sa Lingayen Beach Front.

Ito ayon kay Juvin Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ay sa ilalim ng provincial ordinance na “alcohol free zone”.

Sinabi pa ni Solis na inihahanda narin ng PDRRMO ang mga tarpulin na nagsasaad na mga karatulang “Ang Pag-inum at Pagdadala ng Alak sa Paligid ng Kapitolyo at sa tabing Dagat ay Ipinagbabawal.

Dagdag pa ni Solis na ngayong Semana Santa at Summer Vacation, mahigpit nila itong ipatutupad lalot ang kalimitang kaso ng pagkalunod ay dahil sa paliligo ng taong nasa impluwensya ng alcohol.

 

Ang tinig ni Juvin Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.

Speak Your Mind

*