Pagdagsa ng libo-libong turista sa Pangasinan, kinumpirma ng tourism office

Kinumpirma ng Provincial Tourism and Cultural Office (PTCO) ang pagdagsa ng libo-libong turista sa ibat-ibang distinasyon sa lalawigan ng Pangasinan nitong nagdaang holy week.

Sa ginanap na Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Forum sinabi ni Malou Elduayan, PTCO Officer na nangunguna paring dinarayo sa lalawigan ang Manaoag Shrine at ang Hundred Island National Park.

Kasama rin sa dinayo ng mga turista ang bayan ng Lingayen kung saan narito ang Lingayen Beach Front at ang nagpapatuloy na Pangasinan Tourism and Trade Expo.

Dahil dito, inaasahan pa ang tuloy-tuloy na pagdating ng mga turista sa lalawigan dahil sa nakalinyang ibat-ibang festival sa mga bayan at lungsod.

Ang tinig ni Malou Elduayan, Provincial Tourism and Cultural Officer ng Pangasinan

Speak Your Mind

*