Paggunita ng ika-437 agew na Pangasinan, naging simple at makabuluhan

Naging makabuluhan ng paggunita ng ika-437 founding anniversary ng Agew na Pangasinan kahapon, Abril a-5 taong kasalukuyan na ginanap sa Sison Auditorium bayan ng Lingayen.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang Mesa ng Pasasalamat na pinangunahan ni Bishop. Jose Elmer Mangalinao na may dalang mensahe ng katatagan at pagiging tapat ng mga opisyal ng gobyerno.

Dinaluhan naman ito ng mga opisyal at empleyado ng provincial government sa pangunguna ng isang natatanging Pangasinense na si Rebecca Bustamante-Mills na tubong Dasol, Pangasinan bilang panauhing tagapag-salita.

Pinarangalan din ang mga nagwagi sa “Kurit Panlungaring” isang literary contest gamit ang wikang Pangasinan kung saan nag-uwi sila ng tropeo at cash price.

Nasaksihan din ang natatanging talento ng mga Pangasinense na maipagmamalaki sa mga susunod pang henerasyon kagaya ng awiting “Anak” Nanrosas so Kapasulan na ipinamalas ng Koro de Tayug, at folk dance na “Mazurka Val” ng Calsib, Aguilar Elementary School at “Oasiaos” ng Mangatarem National High School.

Speak Your Mind

*