Paggunita ng Semana Santa at Oplan Sumvac 2017 sa bayan ng Basista, mapayapa

Naging mapayapa sa kabuuhan ang paggunita ng Semana Santa at Oplan Sumvac 2017 sa bayan ng Basista, Pangasinan.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio, sinabi ni PSI Buen Benavidez, Officer-in-Charge ng Basista PNP na bunga ito ng mahigpit na paghahanda ng kapulisan.

Ayon pa kay Benavidez, buong puwersa ng pulisya ay ipinakalat sa lasangan at sa police assistance disk, bukod pa sa tulong na ibinigay na mga force multipliers at local government unit.

 

May ilang minor accident lang aniya ang naitala ng Basista PNP gaya ng away magkakapitbahay at suntukan dala ng kalasingan.

Speak Your Mind

*