Pagkuha ng Australian Citizenship, mas hihigpitan

Hihigpitan na ng Australia ang pagkuha ng citizenship sa kanilang bansa maging ang kabuuan ng kanilang migration process.

Ayon kay Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, sasailalim sa mas pinahigpit na English language test skills at pagpapakita ng ‘Australian values’ ang mga gustong makakuha ng Australian citizenship.

Dapat ding makumpleto muna ng mga aplikante ang apat na taon bilang permanenteng residente – mas mahaba kumpara sa umiiral ngayong isang taon lamang.

Una nang inilabas ng Australia ang kanilang mas pinahigpit na visa requirements para sa mga dayuhang manggagawa.

Speak Your Mind

*