Pagpugot ng ASG sa Pinoy na bihag, kinondena ng Malakanyang

Nagpaabot ng pakikiramay ang palasyo sa naulilang pamilya ng Pilipinong si Noel Besconde na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Mariing kinokondena ng Malacañang ang brutal na pagpatay sa nasabing bihag na nangyari noong nagdaang Semana Santa.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang labi ni Besconde samantalang tinutugis ang bandidong grupo.

Nanawagan din ang palasyo sa publiko na maging mapagmatyag, alerto at makipagtulungan sa mga awtoridad.

Speak Your Mind

*