Pagsibak kay Sueno, idinepensa ni Pangulong Duterte

Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon niyang sibakin si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno.

Ani Duterte, hindi siya maaaring ma-misinform at alam umano niya ang kanyang ginagawa bilang isang abugado.

Noong Lunes ay sinibak ni Duterte si Sueno dahil sa alegasyon ng kurapsiyon.

Itinalaga naman ni Duterte si Undersecretary Catalino Cuy bilang pansamantalang kapalit ni Sueno.

Speak Your Mind

*