Pagtaas ng unemployment rate, kinumpirma ng DOLE Central Pangasinan

Aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) Central Pangasinan na tumaas ang unemployment rate sa unang bahagi ng taon sa buong bansa.

Sinabi ni Engr. Engracio Baylon, DOLE-Central Pangasinan Field Officer, na ang 6.6 percent na unemployment rate ay dahil sa job mismatch at kakulangan ng sapat na experience at qualification.

Ayon naman kay Baylon, napakaraming job vacancy sa loob at labas ng bansa ang nagiging problema nga lang ay ang kawalan ng sapat na kakayahan at kasanayan ang mga job seekers sa kanilang pinapasukang trabaho.

Sa ngayon patuloy ang mga isinasagawang jobs fair ng DOLE sa ibat-ibang lugar sa lalawigan na inaasahang nakakatulong sa mga naghahanap ng trabaho lalot tumaas nga ang unemployment rate sa bansa.

Speak Your Mind

*