Pagtatalaga ni Duterte ng mga dating sundalo at pulis sa Gobyerno, binatikos

Binatikos ng Confederation for unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) ang pagtatalaga ng Duterte Administration sa mga dating pulis at sundalo sa mga civilian position sa gobyerno.

Ayon kay COURAGE President Ferdinand Gaite, nakaaalarma ang pagdami ng militar at pulis sa gobyerno na maituturing na ‘militarization of bureaucracy.’

Dismayado rin aniya sila sa paliwanag ng pangulo na kung bakit ito nagtatalaga ng mga dating sundalo at pulis ay dahil tamad umano ang mga sibilyan.

Ilan sa mga dating unipormadong may posisyon ngayon sa gobyerno ay sina dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Ricardo Visaya, Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon, retired Marine General Alexander Balutan, dating Davao City Philippine National Police (PNP) Chief Jaime Morente at dating PNP Chief for Operations Edgar Galvante.

Si National Security Adviser Hermogenes Esperon ay dati ring AFP chief noong Arroyo Administration samantalang retired Army general din si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

Speak Your Mind

*