Pagudpud Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Pagudpud, Ilocos Norte.

Naitala ang lindol sa 22 kilometro Hilagang-Kanluran ng Pagudpud, kaninang alas-7:28 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na limang kilometro.

Naramdaman ang intensity 2 sa Claveria, Cagayan samantalang intensity 1 sa Laoag City, Ilocos Norte.

Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Speak Your Mind

*