Pahiwatig ni Pia na hiwalay na sila ni Marlon Stockinger, usap-usapan

Usap-usapan ngayon sa social media ang balitang hiwalayan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at half-Pinoy car racer na si Marlon Stockinger.

Ito ay matapos mag-post sa Instagram si Pia ng bahagi ng lyrics na “So Long” na umano’y isang breakup song.

Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dalawa sa isyu dahil umano sa payo ng manager ni Pia na manahimik muna.

Matatandaang nagsimula ang isyu matapos ibunyag ng modelong si Kit Barraquias na si Marlon ang ama ng kanyang kambal na anak.

Speak Your Mind

*