Pandan Festival, naiuwi ang kampeonato sa “Parada na Luyag” street dance competation

Naiuwi ng bayan ng Mapandan, Pangasinan sa kanilang “Pandan Festival” ang kampeonato sa katatapos lang na “Parada na Luyag” street dance competation, highlights sa selebrasyon ng ika-437 Agew na Pangasinan kahapon.

Ito ay mula sa labin limang bayan at syuidad sa lalawigan na kalahok kung saan ipinamalas at itinampok nila ang kani-kanilang kultura, tradisyon, tanawin at produkto.

Kabilang sa mga contingent ang bayan ng Agno, San Nicolas, Alcala, Mabini, San Manuel, Villasis, Balungao, Binalunan, Bayambang, Laoac, San Fabian, San Carlos City, Mapandan, Calasiao, at Lingayen.

Dahil sa galing ng kanilang ipinamalas, nasungkit ng bayan ng Mapandan sa kanilang “Pandan Festival” ang kampyonato kung saan naiuwi ang P100,000, nakuha naman ng bayan ng Villasis sa kanilang “Talong Festival” ang ikalawang puwesto habang naiuwi ng bayan ng Mabini ang ikatlong puwesto, ika-apat naman ang bayan ng Balungao sa kanilang “Goat Festival” at bayan ng bayambang sa kanilang “Malansi Festival ang ika-limang puwesto.

Speak Your Mind

*