Pangasinan, aabot na sa pitong taon na walang kaso ng malaria

Aabot na sa pitong taon na walang kaso ng malaria ang lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang dahilan kung kayat maihahanay na ang Pangasinan sa Malaria Free Province sa buong bansa.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio, sinabi ni Kimpee Jayson Cruz, Nurse IV ng Provincial Health Office o PHO na ngayong darating na Abril a-24 ang gugunitain ang selebrasyon ng “Wolrd Malaria Day”.

Bunga nito, ibat-ibang aktibidad ang inihahanda kasabay sa naturang aktibidad kabilang na ang information dissemination sa maituturing na endemic area sa lalawigan kabilang na ang bayan ng Mangatarem at Infanta.

 

Nilinaw naman ng PHO na ang dalawang kaso ng malaria na naitala sa probinsya ngayong taon ay hindi maituturing na indigenous cases o kaso ng malaria mula sa Pangasinan, dahil ang dalawang pasyente na may sakit na malaria ay nakuha nila sa bansang Angola, Africa.

Nabatid na ang sakit na malaria ay dulot ng impeksyon na naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok na kalimitang kumakagat tuwing gabi.

Speak Your Mind

*