Pangulong Duterte, muling binuweltahan ang media

Muling binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang media organizations.

Partikular na tinukoy ni Duterte ang ABS-CBN at ang Philippine Daily Inquirer.

Ani Duterte, nagbayad siya sa ABS-CBN para sa kanyang campaign ads pero hindi ito iniere ng naturang network.

Binira rin nito ang Inquirer dahil sa may-ari umano ito ng Dunkin Donuts na may problema sa buwis.

Una nang sinabi ni Duterte sa mga ito na sila’y corrupt.

Naglabas naman na ng statement ang Inquirer at ipinunto ang column doon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Sinabi rin ng ABS-CBN na ang mga batikos sa kanila ni Duterte ay bahagi ng trabaho sa media.

Speak Your Mind

*