Panibagong bugso ng oil price hike, asahan na umano sa susunod na linggo

Asahan na ang panibagong bugso ng oil price hike sa susunod na linggo.

Ito ayon kay Department of Energy Oil Industry management Bureau Director Melita Obillo, kung saan maaari aniyang maglaro sa 50 sentimos hanggang piso ang itataas ng mga produktong petrolyo kabilang ang gasolilna, diesel, at kerosene.

Bunsod umano ito ng hiling na extension sa production freeze ng mga oil exporting countries.

Madalas ay naglalabas ng abiso ang mga kumpanya ng langis tuwing araw ng martes.

Speak Your Mind

*