PDRRMO, muling ipinaalala na mahigpit na ipinapatupad ang “6PM No Swimming Policy”

Muling ipinaalala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa publiko na mahigpit na ipinapatupad ang “6PM No Swimming Policy”.

Ito ay upang maiwasan ang mga drowning incident lalo’t inaasahan ang pagdagsa ng mga beach goers ngayong paparating na Pistay Dayat at Semana Santa.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Juvin Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng PDRRMO, mahigpit na ipagbabawal ang paliligo sa dagat pagsapit ng alas sais ng hapon hanggang alas sais ng umaga.

 

Ipinagbabawal din ang paliligo sa dagat kung nakaka-inum o lasing, at iwasan din na maligo sa dagat kung nararanasan ang malakas na alon.

Samantala, upang mapanatili naman ang kalinisan sa buong Lingayen Beach Front, mahigpit ding ipinapatupad ang “No Lettering” at ang weekly “Coastal Clean Up Drive” na isinagawa tuwing araw ng Biyernes.

Speak Your Mind

*