Personal audit sa mga empleyado ng BI, hihingin ng DBM

Hihingi ang Department of Budget and Management (DBM) ng personal audit sa Civil Service Commission (CSC)  ng Immigration officials na nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno, marami sa Immigration officials na nasa NAIA ang hindi kuwalipikado dahil high school graduates lang ang mga ito.

Kung kuwalipikado ang mga ito ay tiyak naman silang mare-regular.

Paliwanag pa ni Diokno, regular employees lang ang may karapatang mag-overtime.

Sinabi rin ni Diokno na malinaw na hindi maaaring umabot sa 50 porsiyento ng sahod ang overtime pay.

Posible rin aniyang magkaroon ng disallowance ang mga ito kung may resulta na ang report ng Commission on Audit (COA).

Speak Your Mind

*