Petsa ng pagbabalik-eskuwela, inanunsiyo na ng DepEd

Itinakda na ng Department of Education (DepEd) sa Hunyo 5 ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school para sa school year 2017-2018.

Binibigyan naman ng DepEd ang private schools ng kalayaan sa pagtatakda ng petsa sa pagbabalik-eskuwela ng kanilang mga mag-aaral.

Subalit ayon sa DepEd, hindi ito dapat tumagal pa sa huling araw ng Agosto ng taong kasalukuyan.

Bukod dito, itinakda na rin ng DepEd ang pagdaraos ng “Brigada Eskuwela 2017-2018” sa mga pampublikong paaralan mula Mayo 15  hanggang Mayo 20.

Sa ilalim ng “Brigada Eskuwela,” magtutulungan ang mga guro, mga magulang at mga estudyante para linisin at ayusin ang mga silid-aralan sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase.

Speak Your Mind

*