PHO, kabilang sa magbabantay sa Oplan Sumvac para sa kaligtasan ng publiko

Mahigpit din magbabantay ang Provincial Health Office (PHO) sa Lingayen Beach bahagi sa operation summer vacation o Oplan Sumvac 2017 para matiyak ang kaligtasan ng mga beach goers.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Aurora Doria, Health Education Promotion Officer ng PHO na isang medical team mula sa pho ang itatalaga sa beach front kasama ng mga kinatawan ng pdrrmo at wasar team.

Dagdag pa ni Doria na bilang mga emergency response team, partikular na tututukan nila ang mga posibleng mabiktima ng dikya o jelly fish sting at  heat stroke.

 

Nabatid na sa mga nakaraang summer vacation, nananatiling mataas na niri-respondihan ng pho ang kaso ng drowning insident, nabibiktima ng dikya, high blood o nagpapakuha ng blood pressure at ilang kaso ng diarrhea.

Speak Your Mind

*