Pilipinas, hindi pa handa sa pagtama ng ‘The Big One’— PHIVOLCS

Aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi pa handa ang Pilipinas sa pinangangambahang pagtama ng “The Big One” o napakalakas na lindol.

Ayon kay Ismael Larag ng Seismological Observation and Earthquake Prediction Division ng PHIVOLCS, hindi pa handa ang bansa lalo na ang Metro Manila sakaling gumalaw ang West Valley Fault.

Hindi rin umano malayong matulad ang Metro Manila sa sinapit ng bansang Haiti na labis na napinsala noon ng lindol kung hindi sapat ang paghahanda.

Gayunman, sinabi ni Larag na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maihanda ang publiko sa matinding sakuna sakaling gumalaw ang Marikina Fault Line.

Nakadugtong ang nasabing fault line sa West Valley Fault na nagkokonekta naman sa iba pang bahagi ng Luzon.

Speak Your Mind

*