Piolo Pascual, napipikon na sa gamitan isyu nila ni Shaina Magdayao

Napikon na si Piolo Pascual sa isyu na naggagamitan lamang sila ni Shaina Magdayao para bumenta ang kani-kanilang shows.

Ayon sa binatang aktor, minsan ay parang gusto na niyang komprontahin ang mga taong nagpapakalat ng kung anu-anong tsismis.

Sinabi rin ni Piolo na tantanan na ang nasabing isyu dahil hindi na aniya maganda ang sinasabi ng mga tao.

Para naman kay Piolo, ang mahalaga ay maayos ang mga bagay-bagay sa pagitan nila ni Shaina.

Speak Your Mind

*