Pitong lugar sa Pangasinan, drug-free municipalities na

Pitong drug-free municipalities na ang idineklara kaugnay sa nagpapatuloy na anti-ilegal drug campaign ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO).

Ito ayon kay Police Chief Inspector (PCI) Norman Florentino, hepe ng Police Community Relations ng Pangasinan PPO ay maliban sa bayan ng Sto. Tomas na una ng idineklarang drug-free municipalities dahil lahat ng kanilang barangay ay drug unaffected.

Dagdag pa ni Florentino na dahil na-cleared na ang lahat ng barangay at nasiguro na wala nang drug personalities sa kanilang lugar, idineklara naring drug-free municipalities ang bayan ng Bolinao, Agno, San Nicolas, Natividad, Loac, at lungsod ng Alaminos.

Kasama narin aniya rito ang walang namonitor na drug laboratory, at pagsasagawa ng ibat-ibang aktibidad at programa para sa mga drugs surrenderies.

 

Sa ngayon, umaabot na sa 1,071 drug-cleared barangays mula sa dating 1,269 drug-affected barangay nang kabuuhang 1,364 barangays sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Dahil dito, nananatiling mayroon pang 209 barangays ang drug-affected barangay na mahigpit naman minomonitor ang Pangasinan PPO.

Speak Your Mind

*