Plunder trial ni Estrada, itinakda sa Hunyo 19

Matapos ang tatlong taon, itinakda na ng Sandiganbayan sa Hunyo 19 ang simula ng paglilitis sa kasong plunder ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Kaugnay ito ng pork barrel scam na kinasasangkutan ng senador.

Matapos ang Hunyo 19 ay gaganapin ang paglilitis kada-Lunes.

Itinakda ang petsa ng plunder trial ng senador matapos sumang-ayon ang depensa at prosekusyon sa listahan ng mga ebidensiya.

Si Estrada ay kasalukuyang nakadetine sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa naturang kaso.

Speak Your Mind

*