Police station, pinasabugan ng NPA sa Sarangani

Kinumpirma ni Chief Insp. Rey Salgado, hepe ng Kiamba Municipal Police Station na nilusob ng New People’s Army (NPA) at pinasabugan ang Community Police Action Center ng Kiamba, Sarangani.

Ayon kay Salgado, suwerteng walang tinamaan sa nangyaring pagpapasabog.

Hindi naman matukoy pa ng mga awtoridad kung anong klaseng pampasabog ang ginamit ng NPA.

Agad namang inamin ng tinaguriang Sub-Musa Operational Command ng NPA ng Far South Mindanao Region ang nasabing pagpapasabog.

Sa ngayon ay patuloy naman ang pagsasagawa ng manhunt operation ng militar sa naturang grupo.

Nabatid na ang Musa Command din ang responsable sa panununog sa banana plantation sa nasabing lalawigan.

Speak Your Mind

*