Pre-Trial sa Graft Case ni Purisima, muling ipinagpaliban

Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kasong katiwalian ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima.

Itinakda ang pre-trial sa kaso ni Purisima sa Hunyo 6.

Bigo kasi ang prosekusyon na magsumite ng supplemental brief.

Ang kaso ni Purisima ay nag-ugat sa maanomalyang kontrata ng PNP sa Werfast Documentation Agency na nagsisilbing courier ng mga lisensiya ng baril.

Speak Your Mind

*