Presyo ng bigas sa ilang ipamilihan sa Pangasinan, bahagya na umanong tumaas

Bahagya na umanong tumaas ang presyo ng bigas sa ilang ipamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ngayon naglalaro na sa P36-P45 kada kilo ang well-milled rice, at P46-P50 kada kilo ang special rice.

Ito ay dahil daw sa marami pa ang hindi naglalabas ng produkto sa merkado dahil hinihintay pang mas tumaas ng presyo nito.

Bukod pa rito ang pansamantalang inihintong importasyon ng bigas sa bansang Vietnam kayat inaasahang magkukulang ang suplay ng biga ng National Food Authority (NFA).

Sinabi ni Ligaya Apolinario, Provincial Manager ng NFA Eastern Pangasinan na patuloy nilang hinihikayat ang mga magsasaka na sa kanila ibenta ang mga aning palay upang hindi nagkulang sa stock ng palay.

Nabatid na mas pinipili ng mga magsasaka na ibenta sa mga private traiders ang kanilang aning palay dahil sa mas mataas ang presyo ng mga ito.

Speak Your Mind

*