Presyo ng mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng Pangasinan, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang presyo ng price commodities o mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Guillermo Aurelio, Senior Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan maliban nalang sa ilang produktong tumaas noong buwan ng Marso.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Aurelio na bahagyang tumaas ng 5 sintabo hanggang piso ang produktong delata gaya ng luncheon meat, meat loaf at corned beef.

Ipinaliwanag naman ng DTI na ang paggalaw sa presyo ng delata ay bunga nang pagtaas sa presyo ng raw materials sa world market.

 

Kasabay nito, tiniyak naman ni Aurelio na patuloy nilang binabantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin gamit ang kanilang Online Price Monitoring System (OPMS) o “E-Presyo”.

Speak Your Mind

*