Producer ng ‘Trip Ni Kris’, tiwalang makakukuha ng mataas na rating

Tiwala ang TV producer ng bagong show ni Kris Aquino na makakukuha ng magandang TV rating ang show nito.

Ayon sa negosyanteng si Rhodora Pascual Morales, ang credibility ni Kris ang nagkumbinsi sa kanya na maging producer ng TV special na “Trip Ni Kris.”

Naniniwala rin si Morales na wala pang makatatalo sa galing ng Queen of All Media.

Nakatakdang ipalabas ang “Trip Ni Kris” sa GMA Network, Linggo, Abril 9 na nagpapakita ng magagandang lugar sa bansa.

Speak Your Mind

*